Lapit na Holy Week at for sure busy ako nun lalo pa’t meron na kong representative na isasali sa prusisyon. Oo, sa wakas yung project ko na matagal na eh ayan tapos na.
Nagkaron na ako ng my own SAINT. Saya diba? Pero siyempre di mawawala jan yung mga taong tumulong sakin. Si Tosh utol ko at ang barkada. Sila naman talaga ang dahilan kaya natupad din si Mang Nico eh.
Last February 28, 2009 3:00 PM natapos sya at kinuha sa Shop sa may Betis, Pampanga. Walang kotse kaya naisip ni Tosh na I-tricycle na lang. Pagdating na pagdating ko sa Pampanga galing Manila pa kasi may pasok ako nung Saturday na yun. Duon agad kami pumunta. Tirik ang araw at open ang tricycle na naarkila pero may twlaya naman kaya okay pa.
Super excited ako that time. Kasi makikita ko na sya. Pagdating dun. Sumalubong si Misis Dominga ang gumawa. Sa totoo natuwa ako sa kanya kasi di ko akalain na magkakaron ako nun. Saka sino ba ko para magkaron ng kagaya nila Tosh na meron ng San Jose. Binayaran na ng full payment at saka uwi na agad sa Dau. Bahay nila mama at Tosh.
Sa bahay, dami na disappoint sa itsura nya. Nung una di ko gets kasi kapampangan ang usapan nila. Di pala nila nagustuhan si Mang Nicos at maraming kadahilanan na kesyo payat daw ng muka at kalbo. Personally nasaktan ako kasi syempre diba?
Pinahiram sya ng damit galing kay Lolo Jose. Nakakagulat kasi nag iba talaga ang itsura nya. Yung payat na payat at kalbo na Santo ayun bihis na bihis at napaka ganda.
Ang galing. Palagi ko nga tinitingnan kasi parang palagi sya nakatingin sa’yo pag andun ka malapit sa kanya.
It’s too refreshing knowing that you accomplish something that you always wanted to have.
Totoo nga na pag humiling ka sa Kanya. Higit pa sa hiniling mo ang ibibigay Nya.
I never expected to have Mang Nico this year na. It’s just only a plan for some other time, maybe next year pero ta’mo andyan na sya. Diba sobra naman?
No comments:
Post a Comment