Tuesday, April 14, 2009

Light On Me!


Saturday, April 4, 2009 - “Congratulations! You’re one step closer to Boracay! You’re one of the chosen few who have been invited to attend one-day Go-See on April 4, 2009, today at the Manor in Eastwood. Be there from 9am to 6pm.Don’t forget to bring your swimwear and six labels of Century Tuna. Good luck and see you there.” Again, a text message I receive last morning of April 4, 2009 which on that time I’m packing up my things for my holy week vacation at Pamapanga. As I remember last time I said that I couldn’t get in to the semis akalain mo humabol pa. I didn’t expect the text message. At wala na talaga sa plano ko na maghabol sa contest na yun. Di ba nga? Sabi ko nga next time na lang eh. Pero siyempre magisip din ako. Pero ang pinili ko ang tumuloy sa Pampanga. Kasi yun naman na talaga ang plano ko before that contest. Saka for sure tinatry lang ako ni Nicodemo kung pipiliin ko ba sya o ang contest. Matagal ko na plano ang Holy week para kay Nico. Siguro alam nyo naman na yun. And I’m not regretting na pinili ko na tumuloy sa Pampanga kasi maraming nagbukas na pinto para sa mga bagay-bagay na dapat kong malaman at ng maliwanagan na din sa kung anong mas mahalaga sa buhay.

Sunday, April 5, 2009 – Palm Sunday! Kasama sila Elen at Tosh nagsimba kami. Kakaiba kasi may prusisyon din and ang dami talagang tao. After eh kumain kami sa Razon ng kakaibang halo-halo at palabok together with Glen.

Monday, April 6, 2009 – Holy Monday! Pahinga lang sa kubo ng umaga. Ay nga pala kinuha namin yung karo sa pinaghiraman namin. Maganda yung sinakyan ni Mang Nico na yun. At napaka bait ng nagpahiram.

Tuesday, April 7, 2009 – Ahhhh pumunta ng Dangwa para mamili ng mga bulaklak na gagamitin. Kasama si Tosh at Elen. Pero bago yun nag Bisita Iglesia na rin kami sa mga simbahan sa Manila. Siyempre kasama na rin yung pag gala. At picture picture konti na mejo madami hehehe..Masaya at nakakapagod. 1am ng Wednesday na kami nakabalik ng Pampanga. Ang lupit ng inantay namin para makasakay ng Bus.

Wednesday, April 8, 2009 – Birthday ni mama. Kaso di naman ako nakapunta kasi nga start na ng event yun. Super busy ang lahat. Sa pag ayos ng karo ni pati yung pagisip kung anong karosa at bulaklak ang gagamitin ni Lolo Jose ang daming suggestions at comments ang nadinig ko. Pero nauwi din sa inarkila na karo na ang may ari eh taga Sasmuan, Pampanga at plastik na bulaklak. Si lolo Jose sya yung St. Joseph of Arimathea like Nicodemo pareho silang pabor kay Jesus. At ang pagkakaalam ko sya ang may hawak ng Holy Grail na daming theory na lumabas at nilathala sa mga libro. At nga pala, labas ni Nico e Friday lang at si Lolo Jose eh Wednesday and Friday. Sa prusisyon, gaya dati at naging sakit na kada taon ang mamatay ang ilaw ni Lolo Jose. Walang palya yun simula ng ipinrusisyon sya eh ganun palagi. Kahit anong test ang gawin sa generator na gamit ganun pa din. Okay kapag la pa event pag andyan na ayun nagloloko na. Buti na lang dalawa ang generator kasi nga yung isa para kay Mang Nico. Kaya yun muna ang ginamit nung time na yun. Pinagbigyan naman kami ni Lolo Jose na magkailaw sya hanggang matapos ang prusisyon. After, ayun naging isyu ulit ang pagkawala na naman ng ilaw ni Lolo Jose. May mga nagsabi na sakit na talaga nya yun. Ako naman at ang barkada naisip na may dahilan kung bakit ganun na lang palagi ang nangyayari. Sabi pa nga namin na its something to do with LIGHT. Light? Oo nga yun nga ang gusto nya ipahiwatig. Pero para kanino? At bakit? Napaisip ako. At alam ko na may gusto sya ding sabihin sa akin at para sa lahat. Bigla ko ding naisip na sa tanang labas ni Lolo Jose never syang nadasalan bago mag start ang prusisyon at puro palagi na lang yung itsura nya at ayos ng karosa ang ginagawa ng lahat at pinagtutuunan ng pansin. Di kaya dahil sa ganun kaya na lang ganun na namamatayan sya ng ilaw?

Thursday, April 9, 2009 – Nagattend kami ng mass. Maganda ang mass kasi washing of the feet ang tema. Saka napaka ganda ng presentation at turo ng pari. At sobra ko ding pinagdasal ang unang labas ni Mang Nico sa darating na Friday. Kasi sobrang kabado na excited ang pakiramdam ko that time.

Friday, April 10, 2009 – Eto na ang araw ni Mang Nico! Lahat ng ayos nya approve sakin pati yung green na motif nya sa bulaklak pinanindigan ko kahit na yung iba ayaw kasi parang dahon lang daw. Sa damit? Ayos na ayos. Husay ang taga ayos niya. Si Joey Boy. Sya din yung nag aayos kay Lolo Jose. 5:45pm nilabas na sya at pinakita sa mga tao. Super kabado ako kahit pa na alam ko na magiging okay ang lahat. Ganun naman talaga pag first time eh. Mag seseven pm start ng prusisyon. Binuksan ang generator. Gumana. Si Lolo Jose? Parang ayaw pa sumindi ng ilaw. Nilapitan ko sya. Sinabi ko na “Lo si Mang Nico okay ang ilaw sana ikaw din”. Si mang Tisyo, may ari ng generator, binaba nya at inayos ng konti. Gumana at agad na kinabit sa karo. Ayos kasi may ilaw na sya. Pero alam nyo ba na still may gustong ipahiwatig ang dalawa. Pano kasi pareho silang walang spotlight. I mean parehong di gumana ang spotlight nila. Light pa din nadagdagan lang ng spot. Till now nakakapagtaka pa din yun at may kilabot na nararamdaman.

Saturday, April 11, 2009 – Black Saturday! Morning naglinis at binalik ang karo sa may ari. Gabi nagpunta kami sa Guagua para sa salubong dun. Naging okay naman ang lahat. Medyo nagkaasaran lang. Pero naging okay din. After nun, deretso kami sa San Isidro. Hinabol namin ang salubong na super ang galing tapos may fireworks pa.

Sunday, April 12, 2009 – Easter! Hanapan ng itlog? Hehehe.. Pahinga sobra ang naging tema ng Sunday. Time to go back to the real world. Sa Manila. 6pm kami umuwi. Nakatayo sa bus kasi mahirap sumakay at mga 9:30pm sa bahay na kami. This day I’ve learn so much. Bukod sa faith ko. Pati na rin sa love. Dapat pala minsan kelangan mo ring magbigay di lang yung puro ikaw ang binibigyan. Kasi darating ung time na yung nagbibigay sa’yo eh magsasawa. Saka sa love walang pagalingan at walang paramihan ng na achieve kasi kung ano yung meron at wala ang isa pareho lang kayong meron at wala din nun. Ang success ng love mo success mo na din.

No comments:

Post a Comment